*this is a REPOST from my previous blog. independence day kc kaya pinost ko toh. *
Ilang beses nang tinanong, ilang beses na ring sinagot ang katanungang "May pag-asa Pa Ba Ang Pilipinas?" Well, xempre naman! Naniniwala ako na hangga't may hininga pa tayo, habang may buhay may pag-asa! (luma na yun di ba?) Oo, isang lumang kasabihan ngunit nananatiling isang katotohanan.
Bawa't tao'y isinilang na may butil ng pag-asa sa kanyang puso. Isinilang tayo na may pag-asa at upang magbigay pag-asa sa kapwa tao natin. hanggang sa paglaki'y daladala natin ang pag-asang ito. Tayong lahat ay may kakayahang baguhin ang ating buhay. Tayong lahat ay may kakayahang hipuin ang buhay ng bawat isa. Tayong lahat ay may kakayahang ibangon at ibalik ang dignidad ng ating bayan.
Gumapang man tayo sa hirap ngayon, bukas tatayo tayong matatag. kung hindi man bukas, sa makalawa. kung hindi man sa makalawa, sa susunod pang henerasyon.
Marahil, naiinip na rin kayong maghintay na makabangon ang Pilipinas. Ako man ay naiinip na rin. Ngunit hindi natin mapagtatanto ang kagandahan ng liwanag kung hindi tayo matututong kumapa sa dilim. (ang lalim?! hahahaha) Ang ibig kong sabihin, mas malalasap natin ang kaligayahan ng tagumpay kung malalagpasan natin ang mga unos ng buhay.
Ang pag-asa'y hindi isang bacteria na mabilis lumaki at kumalat.Ang pag-asa'y tulad ng isang maliit na halaman na nagpupumilit na mabuhay sa gitna ng nyebe. Ang pag-asa'y tulad ng sinag na araw na tumatagos maging sa makapal na ulap. Kailanma'y walang di masisiil ang pag-asa. Kaya kung sa tingin nyo'y wala nang pag-asa pang umunlad ang Pilipinas, pwes mag-isip isip ka!
Balang araw, ang gulong ng kapalaran ay papabor sa ating bayan. Magiging maayos din ang lahat. :D
Maligayang Araw ng Kalayaan! ΓΌ
Tuesday, June 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment