Sunday, June 17, 2007

Ako at ang hangin

Habang ako'y naglalakad sa dalampasigan,



Lumapit ang hangin at ako'y hinalikan.



Naramdaman nya siguro ang aking kalungkutan.



Kaya't dumating sya upang ako'y damayan.



Sinubukan kong yakapin ang hangin,



Ngunit ito'y kumawala sa akin.


Hindi ko man lang nahawakan.


Hindi ko man lang nasulyapan.


Mabuti ang hangin,


may pakialam sa akin.


Hindi katulad ng mundo,


na sadyang tinalukuran na ako.


Kaya't ibinulong ko sa hangin ang buong pagmamahal,


Huminga ng malalim, bago nagpatiwakal.

No comments: